ππ΄πΈ π«π²π΅πͺπ·π° π²πΌπͺπ·π° ππππ’π²πͺπ·
♥ππͺπ°πΌπ²πΌπ²πΆπΎπ΅πͺ π·π° π²ππΈπ·π° πΉπͺπ°-πͺπͺπ»πͺπ΅ πΌπͺ ππππ’♥
Nagsimula akong mag-aral sa PPIS noong grade 7 ako, Sa unang araw ko ay kinakabahan ako dahil marami akong hindi kakilala pero naging madali nalang saakin ito dahil halos lahat naman ay pala-kaibigan at hindi ipaparamdam sayo na ikaw ay nag iisa. Maraming mga activities na nangyari noon katulad ng Nutrition month, Buwan ng wika, pagsali sa ilang mga contest katulad ng ACSAC at iba pa. Ang nagustuhan ko din dito ay ang Kingdom Love dahil dito may makikilala ka pa na ibang schoolmates, masusubukan ang leadership at mas macha-challenge ang iyong kakayahan pagdating sa mga activities na gagawin.❁ππ°πͺ π΄πͺπ»πͺπ·πͺπΌπͺπ·❁
Marami akong naging karanasan sa PPIS pero masasabi ko na maganda din ang naging dulot nito kahit may araw na kami ay napapagalitan pero alam ko na para din ito sa ikabubuti namin at ang mga guro dito ay handang tulungan ka sa kahit anong oras, tinuturo dito ang kahalagaan ng disiplina at ilang values. Isa sa mga hindi ko makakalimutan dito ay katulad ng pagkakaroon ng fellowship dahil bihira nalang ang mga school na gumagawa ng ganon, dahil dito mas napalapit ako kay God. Nagkaroon din ng Christmas concert, kahit isang beses ko lang ito naranasan ay masasabi ko na masaya ito.
Nagkakaroon din dito ng Foundation day na isa din sa mga gusto ko na ginagawa tuwing february, may ilang mga palaro na nagaganap.
nakaka enjoy ito dahil tulong tulong kayo para manalo sa ilang palaro.
Maraming mga tao dito na handang sumuporta at nag bigay gabay saakin sa mga taon na andito ako, kahit na may mga ilang pagsubok ay nakakaya naman ito. Masaya ako sa mga naging kaibigan ko sa loob ng PPIS dahil sila ang mga kasama ko sa araw araw at sa tuwing umaalis kami hehe, kaya hindi ko malilimutan ang mga karanasan ko dito dahil nakatulong ito para mabago ako.
☾ππ»πͺπ΅ π·πͺ π²ππΈπ·π° π·πͺπ½πΎπ½πΎπ·πͺπ·☾
Ang aking natutunan ay ang pagiging matulungin, masiyahin, pakikisama at higit sa lahat ang paniniwala sa Diyos, dito ko mas nahubog ang aking mga kakayahan na akala ko dati ay hindi ko kaya. Ang maganda dito ay kahit di mo kakilala hindi nila ipaparamdam sayo na ikaw ay naiiwan, maraming masasaya na araw at hindi ko ito kakalimutan hanggang sa pag alis ko sa PPIS.
Ang mensahe ko sa mga susunod na henerasyon ng PPIS ay pagbutihin nila ang pag aaral at sulitin nila ang mga panahon na andun sila dahil dadating din yung araw na mamimiss nila ito at hindi ito basta basta katulad lang sa ibang mga eskwelahan.
Ang dadalhin ko pag alis ko sa PPIS ay ang mga mabubuting asal na kanilang tinuro, mga masasayang alala at ang salita ng Diyos. Hindi ako nagsisi na sa prince of peace ako nag aral dahil halos dito na din ako lumaki, kaya ngayon ay medyo nakakalungkot na virtual nalang pero sana ay magkita kita pa rin kami kahit kami ay na sa ibang mga paaralan na. Hinding hindi ko makakalimutan ang aking mga naging guro at mga kaklase hanggang sa kami ay magtapos.
♥
Nakakatuwa dahil sa apat na taon mo sa PPIS ay maraming kang natutunan hindi lamang sa loob ng silid-aralan maging sa mga experiences mo dito. Sana sa haharapin nyong bagong kabanata ng inyong buhay ay dala-dala nyo pa rin ang tatak PPISian. God bless you :)
ReplyDeleteGaling naol
ReplyDelete