RA 10354

Ang RA 10354 ay ipinatupad noong 2012, ang batas na ito ay tumutukoy sa pangkalahatang kalusugan, pangkaisipan, at panlipunan na may kinalaman sa reproductive system. Dito pinapakita ang karapatan ng bawat tao batay sa kanilang kasarian, pag paplano ng nais niyang pamilya, at karapatang matuto. Ipinapatupad nito ang family planning upang mabigyan kaalaman lalo na ang mga taong di nakapag aral, pinapakita din dito ang pag gamit ng contraceptives, at mga edukasyong sexual. Meron dalawang uri ng family planning ang Natural at Artificial. Ang Natural ay kung saan hindi ginagamitan ng kahit anong contraceptives at nakaplano na sila para sa pamilya, ang Artificial naman ang ginagamitan ng contraceptives katulad ng birth controls at condoms. Layunin din dito ang gender equality at gender equity, may mga trabaho na tingin ng iba ay di kaya ng mga babae kaya dito sa batas na ito pinapatupad ang pagkakapantay-pantay ng kasarian. Layunin nito na mapanatilihing maayos ang kalusugan ng mga babaeng nag bubuntis hanggang sa ito ay manganak at tamang kagamitan sa mga ospital. Ang batas na ito ay hindi sumasang ayon sa pag aborsyon kahit na sabihing hindi planado ang iyong pagbubuntis, ang kagandahan sa batas na ito ay mapipigilan ang mga unwanted pregnancy at mga teenage pregnancy.

Kabilang sa Sexuality Education ang:

-Values Formation

-Children's and Women's Rights

-Population and Development

-Responsible Relationship

-Family planning

-STI,HIV, at AIDS

Ang lumabag sa bata na ito ay maaring makulong ng 1-6 na buwan at maaari rin mag multa ng 10,000 hanggang 100,000 pesos.

Konklusyon:

Ang RH law ay batas kung saan pinapahiwatig ang importansya ng sexual education at ang pag iwas ng teenage pregnancy, dahil sa batas na ito makakatulong din ang pag bawas ng overpopulation sa ating bansa. Pinapakita rin nito ang tamang pagbuo ng isang pamilya.


Comments

Popular posts from this blog

𝓐𝓴𝓸 𝓫𝓲𝓡π“ͺ𝓷𝓰 𝓲𝓼π“ͺ𝓷𝓰 π“Ÿπ“Ÿπ“˜π“’π“²π“ͺ𝓷

Isyu ng Same-Sex Marriage