Posts

Showing posts from February, 2021

RA 10354

Image
A ng RA 10354 ay ipinatupad noong 2012, ang batas na ito ay tumutukoy sa pangkalahatang kalusugan, pangkaisipan, at panlipunan na may kinalaman sa reproductive system. Dito pinapakita ang karapatan ng bawat tao batay sa kanilang kasarian, pag paplano ng nais niyang pamilya, at karapatang matuto. Ipinapatupad nito ang family planning upang mabigyan kaalaman lalo na ang mga taong di nakapag aral, pinapakita din dito ang pag gamit ng contraceptives, at mga edukasyong sexual. Meron dalawang uri ng family planning ang Natural at Artificial . Ang Natural ay kung saan hindi ginagamitan ng kahit anong contraceptives at nakaplano na sila para sa pamilya, ang Artificial naman ang ginagamitan ng contraceptives katulad ng birth controls at condoms. Layunin din dito ang gender equality at gender equity, may mga trabaho na tingin ng iba ay di kaya ng mga babae kaya dito sa batas na ito pinapatupad ang pagkakapantay-pantay ng kasarian. Layunin nito na mapanatilihing maayos ang kalusugan ng mga babae...